Tagalog poems, latest tagalog poem, short tagalog love poems, funny children tagalog poems

If you need Tagalog Poems then your search ends here at allbestmessages.co. This page is all about Tagalog Poems. We have recently added new short Tagalog Poems.


Tagalog Poems

Kung may pinakaayaw siguro akong almusal
Iyon ay yung nilulunok kong katotohanan tuwing umaga
Na lilipas ang buong araw, lilipas ang maghapon
Lilipas ang napakagulong buhay ko na wala ka




*****************



Sa isang madilim gubat na mapanglaw
dawag na matinik ay walang pagitan,
halos naghihirap ang kay Pebong silang
halos naghihirap ang kay Pebong silang




*****************



Mahal mo ko, Hindi kita mahal
Sinaktan kita, Hinayaan mo ko
Sabi mo wala akong pake sayo, Meron
Hindi kita pinaasa, Minahal kita
Ngunit bilang kaibigan lamang.




*****************



Tatlumpung taon na ang panahong nakalipas,
Nang ang ating kapisanan ay umusbong at natatag;
Sa bisa ng bayanihan at puspusang pagsisikap,
Ang Samahang Pilipino'y nakilala at sumikat.




*****************



Ang Pag-ibig, isipin mo, pag inisip, nasa-puso!
Pag pinuso, nasa-isip, kaya't hindi mo makuro.
Lapitan mo nang matagal ang pagsuyo'y naglalaho;
Layuan mo at kay-lungkot, nananaghoy ang pagsuyo!




*****************



Malamig na simoy ng mabangong hangin
Na tanging sa pisngi ng langit nanggaling,
Ang inihahatid
Sa bukas na dibdib
Ng sangkalupaang dagi sa hilahil
At sala sa lalong tapat na dalangin.




*****************



Mapuputing kamay, malasutla't lambot,
kung hinahawi mo itong aking buhok,

ang lahat ng aking dalita sa loob
ay nalilimot ko nang lubos na lubos.

At parang bulaklak na nangakabuka
ang iyong daliring talulot ng ganda,

kung nasasalat ko, O butihing sinta,
parang ang bulakiak kahalikan ko na.




****************



Tila ahas na nagmula
sa himpilang kanyang lungga,
ang galamay at palikpik, pawang bakal, tanso, tingga,
ang kaliskis, lapitan mo't mga bukas na bintana.

Ang rail na lalakara'y
nakabalatay sa daan,
umaaso ang bunganga at maingay na maingay,
sa Tutuban magmumula't patutungo sa Dagupan.




****************



Sa dilim ng gabi'y may gintong nalaglag,
may apoy, may ilaw, galing sa itaas;

at dito sa lupa noong pumalapag,
nahulog sa bibig ng isang bulaklak.

Ang sabi ng iba'y kalulwa ng patay,
luha ng bituin, anang iba naman.

Lalo na't sa gabi ay iyong matanaw
tila nga bituing sa langit natanggal.




****************



Oh! Kaawa-awang buhay ko sa iba
Mula at sapol ay gumiliw-giliw na,

Nguni't magpangayon ang wakas ay di pa
Nagkamit ng tungkol pangalang ginhawa.

Ano't ang ganti mong pagbayad sa akin,
Ang ako'y umasa't panasa-nasain,

At inilagak mong sabing nahabilin,
Sa langit ang awa saka ko na hintin!




****************



Ah! Sayang na sayang, sayang na pag-ibig,
Sayang na singsing kong nahulog sa tubig;
Kung ikaw rin lamang ang makasasagip,
Mahanga'y hintin kong kumati ang tubig!




****************



Hindi ko matalos kung ang aking puso'y.
Magbabagong taón sa pagkasiphayo,
Ako'y naririto't ikaw ay malayo.
Na animo'y buwang sa aki'y nagtago.

Inaasahan ko ng~ buong pag-asa.
Na ikaw sa aki'y sadyang lumimot na,
Kung magkakagayo'y iyong makikita.
Ang maputlang bangkay sa gitna ng~ dusa.




****************



Ang puso ni ina'y kaban ng paglingap,
May dalawang tibok na karapat-dapat,
Ang isa'y kay ama, kay amang mapalad.
At ang isa nama'y sa amin nalagak.

Noong nabubuhay ang ina kong irog.
Ang kanyang pagkasi'y samyo ng kampupot,
Ang lakas ng puso'y parang nag-uutos.
Na ako, kaylan ma'y huwag matatakot...




****************



Sa aking kamusmusang.
balot ng kalungkutang iniwanan ni Itay,
sa mulat kong paningi'y.
naiwanan ang latay na naumang kay Inay;
labing-anim na matang.
ipinauunawa'y lantay na pagmamahal,
ang kanyang kinapiling sa pakikipaghamok sa kinaparoonan!




****************



Haplos ng pag-ibig ang naiwan niya sa supling ng puso,
kanyang inulila'y may bakat ng luhang sa pisngi dumapo;
kay Ina ang buhay ay ibayong saklap sa pagkasiphayo.
at may nakalaang tiising pasanin sa kanya'y titimo.




****************



Isang aklat na maputi, ang isinulat: Luha
Kaya wala kang mabasa kahit isa mang talata
Kinabisa at inisip mulang ating pagkabata
Tumanda ka't nagkauban, hindi mo pa maunawa.




*****************



Nagising nga akong tila nangangarap na isang anino
sa maputing tabing ng aming kahapong nilikha ng tao
sa pagkakawalay sa isang magulang ay waring natuto
nahawi ang ulap na nagbigay silim sa kanyang talino.




*****************



Ang bayan kong Pilipinas
Lupain ng ginto't bulaklak
Pag-ibig na sa kanyang palad
Nag-alay ng ganda't dilag.




*****************



Kay tamis ng oras sa sariling bayan,
Kaibigan lahat ang abot ng araw,
At sampu ng simoy sa parang ay buhay,
Aliw ng panimdim pati kamatayan.




*****************



Parang isang pilas ng~ lang~it na bughaw
ang namamalas ko kung ikaw'y magpaypay,
parang isang "mundo, ang pinagagalaw
ng~ napakaputi't nilalik mong kamay.




*****************



Bigyan mo ng pakpak itong aking diwa
at ako'y lilipad hanggang kay Bathala.
Maiisipan ko'y mga malikmatang
sukat ikalugod ng tao sa lupa
malikikha ko rin ang mga hiwaga
sa buhay ng tao'y magiging biyaya.




*****************



Mahal mo ba ako?
Oo, mahal kita.
Mahal na mahal kita.
Mahal mo rin ba ako?
Mahal din kita.
Mahal na mahal din kita.
Mahal mo ba talaga ako?
Paniwalaan mo ako.
Ikaw ang mahal ko.




*****************



Miss kita. Miss kita talaga. Miss na miss kita. Na miss mo ba ako? Siyempre na miss kita. Gusto kitang makita. Miss ko ang iyong halik. Kailan tayo magkikita? Hindi ako makapaghintay! Miss ko siya talaga. Miss na miss ko siya. Miss ko si Miss ko,Miss ko ang misis ko.



*****************



Yakapin mo ako.
Gusto kong yakapin mo ako.
isang malaking yakap
Bigyan mo ako ng isang malaking yakap
Payakap naman.
Huwag mo siyang yakapin.
Yakapin mo siya.
Yakapin mo ang nanay mo.
Bigyan mo ng malaking yakap ang tatay mo.




*****************



Kung ikaw Panulat ay di magagamit
kundi sa paghamak sa Bayang may hapis
manong mabakli ka't ang taglay mong tulis
ay bulagin ako't sugatan ang dibdib.
Kung dahil sa iyo'y aking tutulungan
ang nagsisilait sa dangal ng Bayan
manong mawala ka sa kinalalagyan
at nang di na kita magawang pumaslang!




*****************





Quotes Collection

SMS Of The Day

Email:

Subscribe and receive sms of the day in your inbox.
Collection of
     Sweet, Cool, Cute Text Messages, Sad, Punjabi Msgs, Hindi, Romantic, Mobile Cell Phone Msg
Quotes Collection